Pangulong Duterte, tumulak na pa-Russia

Tumulak na patungong Russia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang official visit doon.

 Sa kanyang departure speech, sinabi ni Duterte na ang kanyang pagbisita sa Russia ay maituturing na ‘landmark visit.’

Nagpasalamat din si Duterte kay Russian President Vladimir Putin na nag-imbita sa kanya.

Si Duterte ay makikipagpulong kay Putin at Russian Prime Minister Dmitry Medvedev, kung saan ay inaasahang pag-uusapan ang bilateral cooperation at independent foreign policy ng Pilipinas.

Bibisitahin ni Duterte ang Filipino community sa Russia.

 Bago tuluyang umalis ay ibinida pa ni Duterte ang suot na relong aniya’y gawang Pinoy.

 Magtatagal ang pagbisita ni Duterte sa Russia hanggang Mayo 26.

Speak Your Mind

*