Duterte, Xi Jinping nagkausap sa Telepono

Nagkausap sa telepono sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping nitong Miyerkules.

Ayon kay acting Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Robespierre Bolivar, isa sa napag-usapan ng dalawang lider ang isyu hinggil sa North Korea (NoKor).

Sinabi aniya ni Duterte kay Xi ang posisyon ng Pilipinas kaugnay ng tensiyon sa Korean Peninsula at ang mahalagang papel ng China para mapanatili ang kapayapaan doon.

Binanggit din aniya ng pangulo ang ilang mga napagkasunduan sa katatapos lamang na ASEAN Summit.

Nangyari ang pag-uusap ng dalawa ilang araw matapos na tawagan at makausap ni Trump sa telopono si Duterte.

Inaasahang babalik sa Beijing si Duterte para dumalo sa One Belt, One Road Summit samantalang hindi naman tiyak kung tutugon siya sa imbitasyon ni Trump na bumisita sa White House.

Speak Your Mind

*