DZRD Sonshine Radio, kabilang sa pararangal sa selebrasyon ng “22nd Migrant Workers Day”

Kasado na ang isasagawang selebrasyon ng “22nd Migrant Workers Day” o araw ng pasasalamat na gaganapin sa darating ng June 2, 2017 sa San Oasis Country Resort sa San Fernando La Union.

Sinabi ni Justin Paul Marbella, Labor Communications Officer ng OWWA Region1 na sinimulan ang pagdiriwang mula ng maipasa ang “Migrant Worker Act of 1995”.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Marbella na highlight activities ngayon taon ang pagbibigay ng recognition at awarding sa lahat ng mga partner at stakeholders ng OWWA.

Kabilang aniya rito ang himpilang DZRD Sonshine Radio bilang media partner na maigting na nag-propromote sa adbokasiya ang OWWA.

Inaasahan naman na dadalo sa nasabing aktibidad ang lahat ng partner ng OWWA mula sa mga government agencies, non-government organization, private organization.

Speak Your Mind

*