Elenita Binay acquitted sa P21-M furniture city hall contract

Ibinasura ng Sandiganbayan ang apela ng pamahalaan laban sa acquittal ni dating Makati City Mayor Elenita Binay kaugnay ng P21.7 million city hall furniture contract noong 2000.

Base sa resolusyong may petsang Mayo 8, sinabi ng Anti-Graft Court Fifth Division na hindi nila kayang baligtarin ang October 28 decision.

Sinabi nina Sandiganbayan justices Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta at Geraldine Faith Econg na pumirma sa resolusyon at kumontra sa October decision, wala raw sapat na ebidensiya para pagtibayin ang hirit ng pamahalaan.

Ang desisyon daw kasi na nagbibigay ng demurrer to the evidence kay Binay ay nangangahulugan ng acquittal.

Ayon sa korte, bigo umano ang prosecutors na patunayang may sabwatan sa bidding pabor sa supplier na Asia Concept International, Inc.

Bigo rin umano ang prosecutors na patunayang nag-overpriced ng P2.78 milyon ang proyekto at ang excessive purchases na nagkakahalaga ng P5.91 milyon.

Speak Your Mind

*