EO para tawaging ‘Philippine Rise’ ang ‘Benham Rise’ pinirmahan na

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) para mapalitan ang pangalan ng Benham Rise.

Sa nasabing EO, iginiit ni Duterte na sakop ng Pilipinas ang Benham Rise na tatawagin nang “Philippine Rise.”

Inatasan din ang National Mapping and Resource Information Authority na ilagay ang “Philippine Rise” sa halip na Benham Rise sa mga opisyal na mapa at charts ng bansa.

Noong Abril 2012 ay inaprubahan ng Commission on the Limits of the Continental Shelf ang hirit ng Pilipinas na isama ang “Philippine Rise” sa teritoryo ng bansa.

 Ang “Philippine Rise” na may lawak na humigit-kumulang 24 na ektarya ay nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Speak Your Mind

*