EO sa nationwide smoking ban, pirmado na ni Duterte – Abella

Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order (EO) kaugnay ng nationwide smoking ban.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang EO 26 na nilagdaan ng pangulo noong Mayo 16 ay mahigpit na ipagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Abella, asahan na umano ang pagpapalabas ng kopya ng EO.

Ang EO ay ibinase sa Davao City smoking ban na ipinatupad ni Pangulong Duterte noong alkalde pa ito ng naturang lunsod.

Speak Your Mind

*