ERC Chair Salazar sinuspindi ng Malakanyang

Sinuspindi ng Malakanyang si Department of Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Jose Vicente Salazar dahil sa mga kinahaharap nitong reklamo.

Pinatawan ng Office of the President si Salazar ng 90-day preventive suspension samantalang iniimbestigahan pa ang mga kaso laban sa kanya.

Nahaharap si Salazar sa patung-patong na kaso kabilang ang serious dishonesty, gross neglect of duty, grave misconduct, gross insubordination at paglabas sa government procurement act at ethical standards for publics officials and employees.

Speak Your Mind

*