Espenilla itinalagang BSP governor

Tinukoy na ng Malacañang ang magiging bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sinabi ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez, nakatakdang maupo bilang bagong BSP governor si Deputy Governor Nestor Espenilla, Jr. kapalit ng magreretirong si Governor Amando Tetangco, Jr.

Si Espenilla ang kasalukuyang head ng BSP Supervision and Examination Sector.

Magsisimula siya sa kanyang trabaho bilang bagong BSP governor sa Hulyo ng taong kasalukuyan.

Speak Your Mind

*