Fariñas sinumbatan si Trillanes

Sinumbatan ni Majority Leader Rodolo Fariñas si Senador Antonio Trillanes.

Ito ay matapos sabihin ni Trillanes na ‘baluktot’ ang moral ni Fariñas dahil sa bantang magsasampa ito ng ethics complaint laban kay Magdalo Rep. Gary Alejano.

Pero buwelta naman ni Fariñas, isang beses lamang siya nagkaroon ng ‘twisted moral’ at ito ay nang i-sponsor niya ang bill na nagbigay ng amnestiya kay Trillanes at sa iba pang sundalong nagkudeta noon.

Sinabi rin ni Fariñas na ituturing niyang papuri ang komento ni Trillanes na hindi siya magaling na abugado dahil nanggaling ito sa isang wala namang alam sa batas.

 

Speak Your Mind

*