Farm machinery and equipment sa pangasinan, mas lalong lumawak ngayong taon

Lalo pang lumaki ang ayudang natatanggap ng mga magsasaka ng lalawigan ng pangasinan mula sa department of agriculture (da) sa ilalim ng programang farm machinery and equipment.

Ito ayon kay dr. Gilbert rabarra, pangasinan research and experimental center chief – da region 1, ay dahil ang pondo para sa “palay seeds o seeds subsidy” ay napunta na sa farm machinery.

Sa panayam ng dzrd sonshine radio, si rabarra na mula sa dating 24 unit ng 4 wheel tractor noong nakaraang taon, ngayon ay pumalo na ito sa 72 unit ng 4 wheel tractor meron ang pangasinan.

Bukod dito, pumalo narin sa 19 unit ang combine harvester, 103 na hand tractor, 5 rice thresher, isang rice transplanter, seed spreader, seed cleaner, seed glower at 120 na pump and engine set.

Maliban dito, mayroon ding mga equipment para sa post harvest gaya ng multipurpose drying pavement at rice processing center.

Ang tinig ni dr. Gilbert rabarra, pangasinan research and experimental center chief – da region 1 sa panayam ng dzrd sonshine radio.

Speak Your Mind

*