Farm mechanization program, patuloy na sinusuportah ng provincial government

Patuloy ang suportang ibinibigay ng provincial government ng Pangasinan sa Farm Mechanization Program para sa pag-angat ng kita ng mga magsasaka.

Sinabi ni Governor Amado “Pogi” Espino III na nakapagbigay na ang probinsya ng limang four-wheel tractor sa limang farmers organization sa ilalim ng Philippine Rural Development Program ng Department of Agriculture (DA).

Ganun din ang labing-pitong four-wheel tractor na ipinamahagi sa iba pang mga farmers groups sa Pangasinan.

Ayon pa kay Espino, patuloy din ang paggawa at sustained maintenance sa mga irrigation support facilities at services para sa pagpapatubig sa ekta-ektaryang sakahan sa lalawigan.

 

Tuloy-tuloy din aniya ang pag-organize ng mga farmers groups upang maging certified seeds producer kung saan inaasahang magpapataas ito sa kalidad ng mga pananim at ani sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*