“Farmers Field School” on Palay Production, ipinapatupad ng DA Region 1

Patuloy na isinusulong ng Department of Agriculture (DA) Regional Office 1 ang “Farmers Field School” on Palay Production sa layuning mas mapalago ang kita ng mga magsasaka.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Romualdo Erwin Frigilliana, Agriculturist 1, DA Region 1 na sa pamamagitan ng “Farmers Field School” natuturuan ang mga magsasaka ng mga makabagong teknolohiya.

Target din nito na mapababa ang production cost o may maliit na gastos pero may sapat na ani.

Naka-angkla rin aniya ang “Farmers’ Field School on Palay Check System” sa walong key-check kung saan nakapaloob dito ang tamang pagpili ng binhi hanggang sa pag-ani.

Ang tinig ni Romualdo Erwin Frigilliana, Agriculturist 1, DA Region 1 sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*