Federation Of Solo Parents Umalma Sa ‘Biro’ Ni Sotto Kay Taguiwalo

Inalmahan ng grupo ng solo parents ang pahayag ni Senador Tito Sotto kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo kaugnay ng pagiging solong magulang ng kalihim.

Ayon kay Carrie Javier, presidente ng Federation of Solo Parents, dapat na maging sensitibo ang public officials gaya ni Sotto sa pagbibitaw ng mga salita.

Kung tutuusin aniya ay dapat kaisa ang public officials sa pagtatanggal sa stigma laban sa mga tulad nila na solong magulang.

Sinabi pa ni Javier na imbes na husgahan ang mga solong magulang, lalo na ang solo mothers ay dapat hangaan ang mga ito sa pagtataguyod sa kanilang mga anak nang mag-isa.

Nais naman ng grupo na makipagdayalogo kay Sotto at maiwasto ang pag-iisip nito tungkol sa solo parents.

Speak Your Mind

*