Fertilizer fund scam vs Joel Reyes ibinasura

Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong may kaugnayan sa fertilizer fund scam na isinampa laban kay dating Palawan Governor Joel Reyes.

Pinagbatayan ng Sandiganbayan ang ‘inordinate delay’ na imbestigahan ng Ombudsman ang kaso ng dating gobernador.

Ayon sa sampung pahinang resolusyon ng Sandiganbayan, masyadong mahaba ang sampung taon para mag-imbestiga ng kaso.

Taong 2004 nang isampa ang reklamo laban kay Reyes pero pormal lang itong nakasuhan noong Setyembre 2016.

Si Reyes ay isa rin sa mga suspek sa kasong pagpatay sa journalist-environmentalist na si Gerry Ortega noong 2011.

Speak Your Mind

*