Floirendo sinipa sa CA

Tinanggal sa Commission on Appointments (CA) si Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo.

Ginawa ito isang araw bago simulan ng Kongreso ang pagdinig kaugnay ng kontrobersiyal na joint venture agreement ng TADECO at Bureau of Corrections (BuCor).

Ipapalit naman sa puwesto ni Floirendo si CA Majority Leader Rodito Albano samantalang idaragdag naman sa CA si Zamboanga del Norte Rep. Seth Frederick Jalosjos.

Magugunitang nagkalamat ang relasyon nina Floirendo at House Speaker Pantaleon Alvarez matapos sampahan ni Alvarez si Floirendo ng kasong katiwalian sa Ombudsman.

print

Speak Your Mind

*