Francis Zamora inireklamo sa COMELEC sa kasong vote buying sa 2016 elections

Nahaharap ngayon sa kasong vote buying ang dating vice mayor at talunang mayoralty candidate ng San Juan na si Francis Zamora.

    Ito ay matapos maghain ng reklamo sa Commission on Elections ang dalawang lehitimong residente ng San Juan City laban kay Zamora.

    Nakasaad sa inihaing reklamo nina Lucila Robles at Ve­radel Surmieda, na lumabag si Zamora sa Omnibus Election Code sa pamamagitan ng vote buying noong 2016 elections.

    Namudmod umano si Zamora ng cash bilang educational assistance kapalit ng paglagda sa isang papel na sa huli ay natuklasang ang pinirmahan ay petition for recall.

    Una na umanong ipinaliwanag ng kampo ni Zamora na ang nilagdaan ay para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program( 4Ps).

    Ayon kay Surmeida, pinilit din umano silang kumuha ng Zamora ID para maka-claim ng educational assistance dahil sa patakarang “No Zamora ID, no assistance policy.”

Speak Your Mind

*