Free-Visa sa mga Pinoy sa Taiwan

Maaari nang bumisita ang mga Pilipino sa Taiwan nang walang kaukulang visa.

Ito ang inihayag ni Taiwan representative to the Philip­pines Dr. Gary Song-Huann Lin sa ginanap na special lecture nito kaugnay ng Phil-Taiwan bilateral relations sa UP Diliman Campus.

Ayon kay Lin, epektibo ang visa-free entry sa Taiwan para sa Pinoy travelers sa buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan.

Ang pagluluwag ng Taiwan government sa mga Pilipino ay bahagi ng kanilang ‘new Southbound policy” na layu­ning mas mapatatag ang economic ties at people-to-people exchanges sa pagitan ng dalawang bansa at maging sa iba pang mga bansang miyembro ng Southeast Asian Nations (ASEAN).

Base sa rekord nitong 2016, umaabot sa 170,000 Pinoy ang bumisita sa Taiwan na nakatulong sa paglago ng turismo at ekonomiya ng nasabing bansa.

Speak Your Mind

*