Gatchalian brothers pinayagan ng korteng makasama si Duterte sa Russia

Pinayagan ng Sandiganbayan ang magkapatid na sina Senador Sherwin Gatchalian at Valenzuela City Representative Wes Gatchalian na makasama sa delegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia.

    Sa desisyon ng Fourth Division, pinayagang makaalis ng bansa ang magkapatid simula kahapon, Mayo 22 ngunit kailangan silang makabalik ng Mayo 27.

    Magugunitang ang magkapatid ay kinasuhan dahil sa maanomalyang pagbili ng Local Water Utilities Administration (LWUA) ng Express Savings Bank, Inc. sa Laguna, kung saan ay kabilang ang kanilang pamilya sa mga nagmamay-ari.

    Samantala, pinayagan din ng korte na makapunta ng Toronto, Canada ang kongresista mula Hunyo 4 hanggang Hunyo 18.

    Una nang nabasura ang kaso laban sa senador ngunit umapela pa ang prosekusyon.

Speak Your Mind

*