Gobyerno ng Pilipinas hinikayat ng UN members na ibasura ang pagpapanumbalik sa death penalty

Hinimok ng mga miyembro ng United Nations (UN) ang gobyerno ng Pilipinas na ibasura ang planong pagpapanumbalik sa parusang kamatayan.

Ipinaalaala ng nasa higit dalawampung UN-member states sa Philippine Delegation sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na labag sa internasyonal na batas ang pagpapanumbalik sa death penalty.

Nabatid na signatory ang Pilipinas sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nag-a-abolish sa death penalty.

print

Speak Your Mind

*