Halaga Ng Piso Bagsak Sa P50 Kada- US Dollar

Bumagsak ang halaga ng local currency ng Pilipinas sa pagsasara ng merkado kagabi.

Naitala ng Philippine Dealing System (PDS) ang halos P50 para sa isang US dollar.

Sa pagtaya ng mga analyst, maaari pa itong bumaba dahil sa ilang external factors.

Pero sa hiwalay na data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nagsara kanina ang palitan sa halagang P49.90 katumbas ng isang US dollar.

Samantala, P6.41 naman ang halaga ng isang Hong Kong dollar at P35.73 naman ang katumbas ng isang Singapore dollar.

Speak Your Mind

*