Hill Top Adventure na pangunahing Tourist Spot sa Balungao, Binabantayan ng Pnp

Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang Balungao Hill Top Adventure ang itinuturing na tourist spot sa bayan ng Balungao, Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Spo4 Orencio Espiritu, Municipal Executive Senior Officer ng Balungao PNP sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio kung saan mayroong nakatalagang police personnel sa lugar.

Bukod dito, nagpapatuloy naman umano ang isinasagawang oplan tokhang revisited ng Balungao PNP kung saan umabot na sa 7,240 ang mga bahay na kanilang nabisita at nasa 220 ang kanilang drug surrenderer.

Upang matiyak naman ang kampanya ng kapulisan kontra ilegal na droga, tuloy-tuloy naman umano ang kanilang ipinatutupad na check point, oplan tokhang, oplan katok at oplan sita.

Ang tinig ni Spo4 Orencio Espiritu, Municipal Executive Senior Officer ng Balungao PNP sa panayam ng Dzrd Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*