Honeylet, Kitty bumisita sa isang ospital sa Cambodia

Samantalang nasa World Economic Forum (WEF) sa Cambodia si Pangulong Rodrigo Duterte, bumisita naman sa isang children’s hospital ang common-law wife nito at anak.

Bumisita sina Cielito “Honeylet” Avanceña at Veronica “Kitty” Duterte sa Kantha Bopha IV Children’s Hospital sa Cambodia.

Nagtungo rin ang mag-ina sa National Museum, Royal Palace, Silver Pagoda at Central Market ng Cambodia.

Sinabi ni Duterte na isinama niya ang kanyang mag-ina sa biyahe para maiwasan ang jetlag.

Makasasama rin ng pangulo ang dalawa sa biyahe niya sa Hong Kong, kung saan ay bibisitahin niya ang Filipino community roon.

Speak Your Mind

*