Ilang artista nagbigay ng reaksiyon sa solo parent ‘Remark’ ni Sotto

Binatikos din maging ng ilang celebrities si TV-host at Senador Tito Sotto matapos ang ‘naano’ remark nito kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Ang ibig sabihin ng ‘naano’ ay nabuntis o naanakan lamang.

Kabilang sa mga nag-react at tila nagpasaring kay Sotto ay Sina Lea Salonga, Janine Gutierrez, Pokwang, Bianca Gonzales, Vice Ganda, Lauren Young at Saab Magalona.

Sa Twitter post naman ni Jennylyn Mercado, sinabi niya na mataas ang kanyang respeto sa mga kapwa niya solo parent.

Nagbigay rin ng mensahe si Claudine Barretto kay Sotto na ninong niya sa kasal na hindi siya ‘naano’ lang kahit na hiwalay na siya sa asawa at may dalawang anak.

Speak Your Mind

*