Ilang envi groups tutol sa appointment ni Cimatu sa DENR

Nagpahayag ng pagtutol ang ilang makakalikasang grupo sa pagkakatalaga kay Roy Cimatu, dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff, bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa isang pahayag, sinabi ng grupong kalikasan na dismayado sila sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na italaga si Cimatu sa DENR.

Ayon sa grupo, walang track record si Cimatu sa pagresolba sa environmental issues at sa halip ay tagapagtanggol umano ito ng environmental plunderers.

Sangkot din umano si Cimatu sa AFP ‘pabaon’ corruption scandal noong 2011.

Samantala, kukuwestiyunin naman ng grupong Greenpeace ang kapasidad ni Cimatu na pamunuan ang DENR.

Naniniwala ang grupo na pakikinabangan ng malalaking negosyo ang kakulangan ng expertise ni Cimatu sa usapin ng kalikasan.

Ipinagtataka naman umano ng Greenpeace ang pagmamadali ni Duterte na palitan agad si Lopez sa kagawaran.

Speak Your Mind

*