Ilang Health Care Institutions sa Region 1, tinanggalan ng 2017 Philhealth Accreditation

Kinumpirma ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ilang Health Care Institutions (HCIS) sa region 1 ang tinanggalan ng PhilHealth accreditation para sa taong 2017.

Ito ang inihayag ni Atty. Rodolfo Del Rosario, Jr., Regional Vice President ng PhilHealth region 1 sa programang sagot ka ng PhilHealth sa Dzrd Sonshine Radio.

Ayon kay Del Rosario, na-denied ang applikasyon o renewal PhilHealth accreditation para sa 2017 dahil sa ibat-ibang paglabag sa polisiya sa ilalim ng National Health isurance Program.

 

Kabilang na rito ang Paras Lying-in Clinic na matatagpuan sa Bonuan Gueset, Dagupan City, Zenaida Manaois Midwife’s Clinic ng bayan ng Mangaldan, Paris Pregnancy Care and Birthing Home sa bayan ng Calasiao at Desseret Birthing Home/Clinic na makikita sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ganundin ang St. Catherine Hospital na matatagpuansa Bangar, La Union, Tolentino Clinic and Hospital sa Sto. Domingo, Ilocos Sur at Ilocos Sur District Hospital at Tagudin Animal Bite Treatment Center

Speak Your Mind

*