Imee Marcos nilinaw na buhay pa ang inang si Imelda Marcos

Nilinaw ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na buhay na buhay pa ang kanyang inang si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.

Una na kasing kumalat sa social media ang umano’y pagkamatay ng dating First Lady.

Isa sa mga nag-tweet patungkol sa pagkamatay ni Ginang Marcos si Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla.

Pero agad namang binura ni Revilla ang kanyang tweet at agad na humingi ng paumanhin sa Pamilya Marcos.

Paliwanag ni Mercado-Revilla, nakatanggap daw siya ng news break message kaugnay ng umano’y pagkamatay ni Ginang Marcos.

Samantala, tinawanan lang ng dating First Lady ang kumalat na balitang pumanaw na siya.

Pero aminado ang mambabatas na nagkakaedad na siya pero hangad daw niya na makapagserbisyo pa sa kanyang mga kababayan.

Speak Your Mind

*