Impeachment case tinawag ni Duterte na ‘kalokohan’ kaya nabasura

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘kalokohan’ lamang kaya nabasura ang impeachment complaint na inihain laban sa kanya ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Sinabi ni Duterte, nagtataka siya kung ano pa ang gusto ng mga kritiko gayong ilang beses na siyang naimbestigahan kaugnay ng umano’y Davao Death Squad (DDS).

Magugunitang naimbestigahan na noon si Duterte ng Commission on Human Rights (CHR) sa pangunguna ni noo’y Chairperson Leila De Lima, gayundin sa Department of Justice (DOJ) at sa Senado.

Giit ng pangulo, na marami lang gustong sumakay nang paulit-ulit sa isyu pero wala sa kanyang karakter ang magpapatay nang walang kalaban-laban, lalo na sa bata.

Samantala, malaya naman daw si Alejano na ituloy ang balak nito na dalhin sa International Criminal Court (ICC) ang reklamo nito dahil bahagi ito ng demokrasya.

Speak Your Mind

*