Impeachment Complaint Laban Kay Duterte Sisimulan Na Ang Pagdinig Sa Susunod Na Linggo

Sisimulan na sa susunod na linggo ang mga pagdinig kaugnay ng impeachment complaint na inihain ni Magdalo Representative Gary Alejano laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas na-interfere raw ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Justice Committee ang impeachment complaint para tukuyin kung sufficient in form at substance ang reklamo.

Sa oras daw na hindi makitaan ng grounds para sa impeachment ang naturang reklamo ay tiyak na mababasura ang nasabing impeachment complaint.

Matatandaang naging batayan sa impeachment complaint laban kay Duterte ay culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at other high crimes.

Speak Your Mind

*