Impeachment Complaint laban kay Robredo bigong maihain sa Kongreso

Bigong maihain sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Vice-President Leni Robredo.

Ayon kay Atty. Bruce Rivera, tagapagsalita ng Impeach Leni Movement, kasalukuyan pa umanong pinag-aaralan ng ilang kongresista ang kanilang reklamo laban sa bise presidente.

Kinumpirma naman ni Rivera na isa sa grounds ng kanilang reklamo laban kay Robredo ang graft and corruption dahil sa nasilip nila sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Robredo at ang pag-sponsor umano ni Robredo sa isang national convention on overseas employment gamit ang pondo ng Pag-IBIG.

Speak Your Mind

*