Impeachment complaint vs Duterte pormal nang ibinasura

Pormal nang ibinasura ng House Justice Committee ang report ng komite na nagbabasura sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Lahat ng miyembro ng komite ay bumoto pabor sa pagbasura ng reklamong inihain ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano.

Wala pang beinte minutos ay naaprubahan na ang report ng komite.

Pagkatapos ay iaakyat na ito sa plenaryo para maaprubahan.

Kung maaaprubahan sa plenaryo, walang tatanggaping impeachment complaint laban sa pangulo hanggang sa Mayo 9, 2018.

Speak Your Mind

*