Impeachment complaint vs Duterte tatalakayin na sa Kamara

Sisimulan nang talakayin sa Lunes ng House Committee on Justice ang impeachment complaint kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing pagdinig, rerebyuhin ng komite kung sufficient in form and substance ang impeachment complaint laban sa pangulo.

Ang pagdinig ay pangungunahan ni Oriental Mindoro 2nd District Representative Reynaldo Umali na isa sa kaalyado ng administrasyon.

Kinakailangan ng majority vote sa miyembro ng Justice Committee bago mapagdesisyonan kung may probable cause sa nasabing reklamo.

Inihain ni Magdalo Party-list Representative Gary Alejano ang impeachment complaint laban kay Duterte noong Marso.

Speak Your Mind

*