Impeachment complaints vs Robredo, Morales sa Agosto pa maaaksiyonan — Alvarez

Posibleng sa Agosto ng taong kasalukuyan na umano maaaksiyonan ng Kamara ang impeachment complaints na inihain laban kina Vice President Leni Robredo at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez, wala pang panahon ang Kamara para rito.

Giit ni Alvarez na kailangan pa nilang pag-aralan nang husto ang impeachment complaints na isinampa laban sa mga opisyal.

Nabatid na parehong isinumite sa tanggapan ni Alvarez ang mga impeachment complaint laban sa dalawang opisyal.

Hangad ng mga naghain nito na mismong si Speaker Alvarez ang siyang mag-endorso nito.

Speak Your Mind

*