Impeachment Vs Robredo Sa Basurahan Pupulutin Kapag Walang Solon Endorsement

Malaki ang posibilidad na mabasura lang ang nakaumang na impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo kapag walang kongresistang mag-eendorso nito.

Ito ang pahayag ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas matapos na maudlot ang paghahain ng impeachment laban kay Robredo ng grupo ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara.

Binigyang-diin ni Fariñas ang kahalagahan ng endorsement mula sa isang kongresista para umusad ang impeachment complaint.

Kapag wala raw kasi ito, maituturing na ‘scrap of paper’ lamang ang ikinakasang impeachment laban sa bise presidente.

Speak Your Mind

*