Init ng panahon, titindi pa sa mga susunod na araw — PAGASA

Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa mas matinding init ng panahon na mararanasan sa mga darating na araw.

Sa inilabas na heat index forecast ng PAGASA, inaasahang tataas pa sa 40 hanggang 41 degree Celsius ang heat index sa ilang bahagi ng bansa.

Ang heat index ay tumutukoy sa sukat ng aktuwal na pakiramdam ng tao sa katawan kapag mainit ang panahon.

Partikular na inaasahan ang 41 degree Celsius heat index sa Tuguegarao City sa katirikan ng araw sa Linggo, Mayo 21 samantalang papalo naman sa 40.1 degree Celsius ang heat index sa Kamaynilaan ngayong araw.

Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatili na lamang sa loob ng bahay, magsuot ng preskong damit, dalasan ang pag-inom ng maraming tubig, umiwas sa pagkaing mataas sa protina at umiwas sa pag-inom ng alak para maiwasan ang heat stroke.

Speak Your Mind

*