Kalusugan Caravan, abot na sa 233 barangay sa Pangasinan ang natulungan

Umabot na sa 233 barangay katumbas ng 26,204 indibidual ang naserbisyuhan ng kasalukuyang ipinapatupad ng Kalusugan Caravan ng provincial government ng Pangasinan.

Sinabi ni Governor Amado “Pogi” Espino Iii, na inilunsad ng Kalusugan Caravan sa hangaring tugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga Pangasinense na nakatira sa malalayong Barangay.

Sa kasalukuyan umabot narin sa 25,688 mga bata ang nabigyan ng supplemental feeding, tsinelas at mga school supplies, 5,339 ang nabigyan ng dental srvices, at 4,456 senior citizen ang nabigyan ng serbisyong medical.

Umabot narin sa 2,421 ang mga aso ang nabakunahan ng anti-rabbies ng Provincial Veterinary Office na kasamang isinasagawa sa Kalusugan Caravan.

Bukod dito, sinabi pa ni Gov. Espino na nakapamigay narin ang probinsya katuwang ang doh ng 516 wheelchair sa mga PWDS.

 

Ang tinig ni Governor Amado “Pogi” I. Espino III.

Speak Your Mind

*