Kanselasyon ng BuCor-TADECO deal ipinauubaya kay Duterte

Inirekomenda ni Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre kay Pangulong Rodrigo Duterte na ito na mismo ang mag-utos na ikansela ang joint venture agreement ng Tagum Agricultural Development Company (TADECO) at Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Aguirre, kung si Duterte na mismo ang mag-uutos na kanselahin ang umano’y maanomalyang kontrata ay mas mapabibilis ito.

Ang TADECO ay pagmamay-ari ng pamilya ni Davao del Norte Representative Antonio Floirendo.

Si Floirendo ang pinakamalaking election contributor ni Pangulong Duterte noong halalan.

Paliwanag ni Aguirre, matatagalan ang pagpapawalang-saysay sa kontrata kaya’t ang desisyon ng pangulo ang pinakamabilis na paraan para mangyari ito.

Kung tatanggi naman umano si Duterte ay maaari pa ring makansela ang kasunduan kung magpepetisyon ang BuCor sa korte.

Speak Your Mind

*