Kapakanan ng mga OFW, tututukan pa rin ng DFA

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tutukan pa rin ang kapakanan ng mga OFW habang inaantay pa na maipasa ang panukalang ‘Department of OFWs’ sa kongreso.

Bagamat wala pang katiyakan kung kailan maipapasa ang panukalang Department of OFWs sa bansa ay tiniyak naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na gagawin pa rin nila ang lahat para matutukan ang kalagayan ng mga Pinoy sa abroad. 

Sinabi ni Cayetano na kahit marami ng ahensiya o mga sangay ng pamahalaan na binuo para sa mga OFW ay prayoridad pa rin ito ng ilang opisyal gaya ng Department of Labor and Employment (DOLE) para maitaguyod ang naturang departamento. 

Nabatid ng kalihim sa mga nakaraang biyahe nya sa abroad nung sya pa ay senador ay kulang sa impormasyon ang mga OFW.

Dahil dito, isa mga bibigyang atensyon ngayon ng bagong DFA Chief ay magkaroon ng regular meetings ang mga opisyal ng kagawaran para sa kapakanan ng mga mangagawang Pinoy sa abroad.

Magugunita una nang ipinangako ni Duterte sa mga Filipino migrant worker sa Middle East na magkakaroon na ang bansa ng isang kagawaran para sa mga OFW na agad tutugon sa kanilang mga pangangailangan.

Speak Your Mind

*