Kapatid Mentor Me program ng DTI, ilulunsad sa lungsod ng Dagupan

Pinaghahandaan na ng Department Of Trade and Industry (DTI) ang ilulunsad na “Kapatid Mentor Me” program na ilulunsad sa a-bente buwan ng Hunyo sa lungsod ng Dagupan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan na layun ng “Kapatid Mentor Me Program” na tulungan ang mga mses na palaguin at palawakin ang kanilang mga negosyo.

Ayon kay Dalaten, sasailalim sa 12 sesyon ng libreng seminar ang mapipiling negosyante sa “Kapatid Mentor Me” kung saan ang magiging speaker dito ay mula sa matatagumpay na negosyante.

Sa ngayon, on going na umano ang screnning ng dti sa lahat ng mga negosyante na kabilang sa Micro at Small Entrepreneurs o MSES para sa ”Kapatid Mentor Me Program”

 

 

 

 

Speak Your Mind

*