“Kapatid Mentor Me” project, tiyak umanong magpapatatag ng negosyo sa Pangasinan

Tiyak na magpapatatag sa pagnenegosyo ang “Kapatid Mentor Me” Project ng ilulunsad ng Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan ngayong darating na a-bente buwan ng Hunyo sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Natalia Dalaten, Chief Trade and Industry Development Specialist ng DTI-Pangasinan, layunin ng “Kapatid Mentor Me” project na tulungan ang maliliit na negosyante na palaguin at palawakin ang kanilang mga negosyo.

Para aniya itong “big brother, small brother” partnership kung saan ang isang malalaking establisymento ay magiging mentor ang maliliit na establishment o ang nasa ilalim ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMES).

Tiniyak naman ng DTI na ang magiging metor na siyang magtuturo sa malilit na negosyante ay masasabi nang successful businessman.

Speak Your Mind

*