Karanasan sa militar magagamit ni Cimatu bilang bagong DENR

Aminado si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Roy Cimatu na marami pa siyang kailangang aralin para magampanan ang bagong posisyon bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pero makatutulong naman aniya ang kanyang karanasan bilang dating sundalo dahil dati na rin siyang naitalaga sa mga minahan.

Sinabi pa ni Cimatu na sanay na sanay siya sa mga delikadong trabaho.

Bukod naman sa isyu ng mining, nais din ni Cimatu na resolbahin ang problema sa polusyon at solid waste management.

Speak Your Mind

*