Kaso ng dengue sa Pangasinan, bumaba sa 39 percent ngayong taon

Tatlumpot siyam (39) na porsyento ang ibinaba ng kaso ng dengue sa lalawigan ng Pangasinan ngayong unang bahagi ng taon kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni Eugene Paragas, Administrative at Nurse III ng PHO batay sa tala ng Provincial Health Office (PHO) mula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Mayo.

Sa ngayon, umabot na aniya sa 447 ang kaso ng dengue, mas mababa ng 39 percent kumpara sa 730 sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Dahil dito, patuloy na nagbabala ang PHO sa muling pagdami ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue lalo ngayong malapit na ang pagpasok ng tag-ulan.

 

Sa ngayon ang pinakamaraming kaso ng dengue ang lungsod ng Dagupan, bayan ng Malasiqui, Binmaley, Asingan, Lingayen, Bayambang at bayan ng Calasiao.

Speak Your Mind

*