Kaso ni Nobleza dedesisyonan na

Dedesisyonan na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang kasong kinahaharap ni Supt. Maria Christina Nobleza na umano’y lover ng isang Abu Sayyaf Group (ASG) bomb expert.

    Nakatakdang isumite ng PNP-IAS kay PNP Chief General Ronald Dela Rosa ang rekomendasyon kaugnay ng kaso ni Nobleza.

    Sinabi ni PNP Inspector General Atty. Alfegar Triambulo na paso na ang ibinigay na sampung araw na palugit kay Nobleza para magsumite ng depensa nito.

    Una nang tinawag ni Dela Rosa si Nobleza na ‘sleeping with enemy’ matapos madiskubreng nakipagrelasyon ito sa isang ASG bomb expert at nakipagsabwatan pa sa bandidong grupo.

    Sinabi ni Triambulo, grave misconduct o conduct unbecoming of an officer ang nakikita nilang posibleng kasong kaharapin ni Nobleza.

Speak Your Mind

*