Kaso Ni Nobleza Dedesisyunan Bago Matapos Ang Mayo

Tiniyak ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na madedesisyunan ang kaso ni Supt. Maria Cristina Nobleza bago matapos ang kasalukuyang buwan.

Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Traiambulo, sa Biyernes ay isasampa na nila ang kaso at sa susunod na linggo naman ay pagsusumitehin nila si Nobleza ng counter affidavit nito.

Ang kasong administratibong isasampa laban kay Nobleza ay nakasentro sa conduct unbecoming of an officer dahil sa kaugnayan nito kay Abu Sayyaf bomb expert Reneer Lou Dongon.

Aminado si Triambulo na malaki ang posibilidad na tuluyan nang masibak sa serbisyo si Nobleza dahil sa bigat ng kasong kinahaharap nito na konektado sa bandidong grupo.

Sinabi ni Triambulo na kapag naisumite na nila sa PNP chief ang kanilang hatol laban kay Nobleza, agad naman niya itong pipirmahan.

Speak Your Mind

*