Kasong administratibo kaugnay ng ‘secret jail,’ walang basehan — PNP-IAS

Wala umanong basehan ang pagsasampa ng kasong administratibo laban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 1 dahil sa nabistong ‘secret jail’ sa loob ng presinto.

Ayon sa Philippine National Police- Internal Affairs Service (PNP-IAS), lumabas sa medical examination na hindi dumanas ng torture ang mga preso sa loob ng ‘tagong-kulungan.’

Alam din umano ng mga opisyal ng barangay sa lugar ang tungkol sa nasabing kulungan at malaya rin umanong nadadalaw ang mga preso ng kanilang mga kaanak.

Taliwas ito sa paratang na nangingikil ang mga pulis sa MPD Station 1 kapalit ng paglaya ng mga preso.

Iginiit din ng PNP-IAS na ang naturang ‘secret jail’ ay para lamang sa mga suspek na hindi pa naisasailalim sa inquest proceedings.

Speak Your Mind

*