Kongresista humirit sa CA na kumpirmahin na si Taguiwalo

Humirit si Anakpawis Representative Ariel Casilao sa Commission on Appointments (CA) na kumpirmahin na si  Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo.

Ayon kay Casilao, walang dahilan para bitinin pa ang kumpirmasyon ni Taguiwalo batay na rin sa track record at accomplishment nito.

Sinabi pa ng kongresista na hindi na rin daw kailangang pagdebatehan ang kakayahan ni Taguiwalo sapagkat subok na rin daw ito.

Maituturing din daw na ‘agent of change’ si Taguiwalo at ang panunungkulan daw nito ay malayo at taliwas sa sistema ng pinalitan nito mula sa nakaraang mga administrasyon.

Speak Your Mind

*