Kumpirmasyon Ni Lopez Muling Nabitin

Muling ipinagpaliban ng Commission on Appointments ang kumpirmasyon sa tungkulin ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez.

Sa ginawang pagdinig, muling nagisa si Lopez sa pagtatanong ng mga mambabatas.

Sa isang bahagi ng hearing, nagkasagutan pa sina Lopez at Senador Alan Peter Cayetano kaugnay ng pondong required para sa mga minahan na wala raw sa umiiral na batas.

Naniniwala naman si Senador Manny Pacquiao, chairman ng Committee on Environment and Natural Resources, na nasa ‘50-50’ pa ang tiyansang makalulusot si Lopez sa CA.

Pero sa kabila ng lahat, sinabi ni Pacquiao na sang-ayon siya sa mga ginagawa at pananaw ng DENR chief para maingatan ang mga likas na yaman.

Speak Your Mind

*