Lahat ng nakakasira sa “line of sight” ng isang driver, bawal sa ADDA – LTO-Lingayen

Nanindigan ang Land Transportation Office o LTO Lingayen District Office na ipinagbabawal ang lahat ng bagay na nakakasira “line of sight” ng isang driver na nagmamaneho.

Ito ayon kay Engr. Eric Suriben, LTO Chief ng Lingayen District Office ay nakapaloob sa ipinasang batas na Anti-Distracted Driving Act.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi pa ni Suriben na anumang bagay na inilagay sa “line of sight” na nakaka-distract sa driver ay kasama sa ipinagbabawal ng nasabing batas sa layuning maiwasan ang aksidente.

Kasama na umano rito ang pagbabawal sa paglalagay ng rosaryo o maging ang sign board sa dashboard at windshield ng sasakyan.

 

Dagdag pa ni Suriben na ang lahat ng stiker registration ay dapat ilagay sa “upper right side corner” ng windshield ng sasakyan at dapat ay bagong stiker lamang ang ilagay dito

 

Speak Your Mind

*