Lalabag sa anti-littering ng Dagupan, magmumulta ng isang libong piso

Mahigpit na tinututukan ng Task Force Anti-Lettering ng lungsod ng Dagupan ang lahat ng mga ambulant vendor patikular na ang mga gumagamit ng madadayang timbangan.

Ito ang inihayag ni Jaime Serna – Officer-In-Charge, Task Force Anti-Littering ng lungsod kung saan minomonitor din ang lahat ng mga vendor na walang disiplina sa pagtatapon ng basura.

Ayon kay Serna, nagsisimula ang kanilang clearing operation mula alas sais ng umaga at pinapayagan lang ang mga vendor na maglatag ng paninda alas singko ng hapon.

Bukod sa littering o pagtatapon ng basura, mahigpit din sinisita ng Task Force Anti-Littering ang mga umiihi sa pader at naninigarilyo sa pampublikong lugar.

Nilinaw naman ni Serna, na ang mahuhuling lumabag sa Anti-Littering ay magmumulta ng isang libong piso alinsunod na ordinansang ipinapatupad sa Dagupan.

 

Samantala, kasama rin umano sa ipinagbabawal ang pagdura o spitting sa lansangan ng dagupan kung saan magmumulta ang mahuhuli ng P300 sa unang paglabag, P500 sa ikalawang paglabag at P1,000 sa ikatlong paglabag.

Speak Your Mind

*