Leni camp kay Bongbong: ‘Huwag mong pangunahan ang PET’

Pinalagan ng kampo ni Vice President Leni Robredo si dating Senador Bongbong Marcos dahil pinangungunahan umano nito ang Supreme Court (SC) na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ito ay matapos maghain ng mosyon si Marcos para sa pag-a-appoint ng tatlong hearing officers sa election protest nito laban kay Robredo.

Ayon sa abugado ni Robredo na si Atty. Romeo Macalintal, ‘premature’ ang naging aksiyon ni Marcos.

Sinabi ni Macalintal na ang preliminary conference ay magsisimula pa lamang sa Hunyo 21 ng taong kasalukuyan, kaya wala pa umano sa lugar ang mosyon ng dating senador.

Maliban dito, wala rin umanong kasiguruhang aaprubahan ng PET ang tatlong dahilan ng pagsasampa ni Marcos ng election protest laban kay Robredo.

Kabilang sa kinukuwestiyon ni Marcos ang integridad ng automated election system (AES), vote buying at pakikialam ng tauhan ng Smartmatic na si Marlon Garcia sa transparency server.

Speak Your Mind

*