Libo-libong Pangasinense, dumalo sa isinagawang SOPA ni Governor Espino

Dinaluhan ng nasa 8 hanggang 10 libong Pangasinense ang isinagawang State of the Provincial Address (Sopa) ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” I. Espino III kahapon, araw ng Huwebes a-onse ng mayo taong 2017  sa Capitol Plaza, Lingayen.

Laman ng mensahe ni Espino ang mga programa, at mga naisulong na proyekto na nagbigay karangalan sa lalawigan ng Pangasinan gaya ng Regional Best Performer in Job Placement, Regional Best Performer in Implementation of DOLE Integreted Livelihood and Emergency Employment Program, Regional Champion in Project Monitoring.

 

Bukod dito, kilala rin ang Pangasinan sa National level gaya ng Provincial Rice Program Implementing Team na tumanggap ng Pag-asa Award, 2016 National Quality Corn Achiever Awards, Outstanding BSP Program Partner at marami pang iba.

Buo naman ang suportang natanggap ng governador mula sa kanyang pamilya na dumalo sa SOPA kabilang na kanyang aman na si dating governador at ngayo’y 5th district Congressman Amado T. Espino Jr, ang kanyang ina na si Prescila I. Espino, asawa na si Karina Espino, anak na si Amado IV, ang kanyang kapatid na si Bugallon Mayor Jumel Anthony Espino, at kanyang tiyuhin na si Bautista Mayor Amadeo T. Espino.

Speak Your Mind

*